Recent Posts

Breaking News

Casiño kay Antiporda: Labada ba ‘yang buhangin?

SDC

Inasar ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang pahayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na hindi nag-wash out ‘yung synthetic white sand kundi nag-wash in lang ang itim na buhangin sa Manila Bay.

Labada lang ba aniya ang mga naturang buhangin.

“OK. So paghihiwalayin nila yung puting buhangin sa itim na buhangin?,” tweet ni Casiño.

“Ano yan, labada?,” hirit niya pa.

Sa isang televised briefing kahapon, sinabi ni Antiporda na, “Puro kasinungalingan po iyong lumabas na nag-wash out yung white sand natin. Ang nangyari po talaga is wash in, pumasok po iyong itim na buhangin at pumatong sa puting dolomite.”

Nasa P349 milyon ang ginastos para sa crushed dolomite sand project ng DENR sa Manila Bay.

The post Casiño kay Antiporda: Labada ba 'yang buhangin? first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/casino-kay-antiporda-labada-ba-yang-buhangin/)

Walang komento