Recent Posts

Breaking News

Butler bayani! Miami Heat pinwersa Game 6 vs Lakers

Wala pang confetti na babagsak sa Orlando matapos na makalusot ang Miami Heat kontra LA Lakers, 111-108, sa Game 5 ng NBA Finals.

Naging dikit ang naturang laban hanggang sa dulo, kung saan muntikan pa ang Heat sa bukas na tres ni Danny Green mula sa pasa ni LeBron James, ngunit hindi ito pumasok.

Sa dulo, si Jimmy Butler ang bumuhat sa Heat matapos na isalpak ang krusyal na six points, apat dito ay galing sa free throw line, para manatiling abante ng isang puntos kontra Lakers.

Tumapos si Butler tangan ang triple double performance sa ikalawang pagkakataon sa NBA Finals, sinungkit ang 35 points, 12 rebounds, 11 assists na may kasama pang limang steals.

Nakatulong kay Butler ang sharpshooter ng Heat na si Duncan Robinson na bumaon ng pitong tres sa kanyang 26 markers.

Samantala, kinulang naman ang 40 points, 13 rebounds at seven assists performance ni LeBron para maibigay na sa Lakers ang kampeonato.

Sa nasabing laban, bumagsak sa first quarter si Anthony Davis dahil sa posibleng ankle injury, ngunit nakabalik din naman sa aksyon.

The post Butler bayani! Miami Heat pinwersa Game 6 vs Lakers first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/butler-bayani-miami-heat-pinwersa-game-6-vs-lakers/)

Walang komento