Recent Posts

Breaking News

Boracay salat pa sa mga turista

Matumal pa ang pagpasok ng mga turista sa isla ng Boracay matapos muli itong buksan sa mga local at foreign tourist noong October 1, 2020.

Sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na sa loob ng apat na araw simula buksan ang Boracay island ay wala pang isang daan ang bilang ng mga turista.

Pero naiintindihan aniya nila ito dahil may konting takot pa ang mga tao bukod pa sa mahal ang magpa-RT-PCR test na isa sa mga requirement para makapasok sa Boracay island.

“As of October 1, 35 na tourists ang dumating; October 3, 53 but ito naman ay exoected natin kasi ang mga tao ngayon ay medyo nahihirapan pang pumunta dito,” ani Governor Miraflores.

Pero naniniwala ang gobernador na sa mga susunod na araw, linggo o buwan ay babalik sa dati ang bilang ng mga turista.

Ipinagmalaki ng gobernador na bumalik sa dating ganda ang mga beach sa Boracay matapos ang mahigit anim na buwang walang mga turista sa isla.

“Bumalik sa dating estad ang Boracay in the 1980s, 1990s ang ganda ng beach at higit sa lahat, safe na safe ang Boracay kasi hanggang ngayon ay COVID free pa rin ang island ng Boracay,” dagdag ni Miraflores.

Hiniling naman ng isang negosyante sa Boracay na kung maaari ay gawing pilot antigen test ang isla para mas madali sa mga turista na makapasok sa isla.

Masalimuot aniya ang pagkuha ng PCR test dahil kinakailangan pang pumunta ng hospital at maghintay ng resulta na kung magkaminsan ay late pa kaya hindi na angkop sa petsa ng biyahe sa isla.

Ang antigen test para sa mga turista ay ginagawa na sa Baguio City bilang pilot area, at kapag nakitang epektibo ay ito na ang ipapatupad para sa mga papasok na turista.

The post Boracay salat pa sa mga turista first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/boracay-salat-pa-sa-mga-turista/)

Walang komento