Recent Posts

Breaking News

Bong Revilla namudmod ng libong gadget, kalahating milyong cash

Naging matagumpay ang panibagong Gadget Giveaway project ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos na muling pagbigyan ang kahilingan ng mga guro, mag-aaral at mga magulang.

Mas sumaya ang muling pagbabalik ng KAP program, ang “KAALAMAN, ATING PALAWAKIN”, upang magkakaroon ng Gadget Giveaway dahil nakapamahagi ng 1,600 flare tab, 230 cellphone, 70 tablet, 100 phablet, 50 tablet, 48 laptop na umabot sa kabuuang 2,098 lahat-lahat.

Bukod sa dalang kasiyahan ay naging isang halimbawa rin sa ibang politiko upang maengganyong mamahagi rin ng mga gadget, na isang napakagandang simulain na tinutularan na ng marami upang mas marami ang makinabang.

Noong nakaraang Linggo, muli itong tinutukan ng marami at umabot sa 47,000 shares, 531,000 views, 32,000 positive reactions at 32 million reach sa kabuuang limang episodes at nitong pinakahuli ay umabot ng limang milyong reach ang naturang ‘live program’ sa Youtube at Facebook na pinangunahan mismo ni Revilla.

Bukod sa naipamahaging gadget ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga hindi nabunot ngunit tumawag lamang sa gitna ng programa at ang mga nasagot ni Revilla ay nakatanggap agad ng P100,000; P50,000; P20,000 at P15,000 na umabot sa kalahating milyong pisong cash sa kabuuan ang naipamahaging salapi.

Matatandaan na nagsimula ang pamamahaging ito noong Setyembre 25, nang magdiwang ng ika-54 kaarawan si Revilla at dahil pandemya ay hindi na ito nagsagawa ng salu-salo at minabuting mamahagi na lamang ng mga gadget na tumatagal ng limang gabi.

Nakapamahagi si Revilla noong kaniyang kaarawan ng 1,500 tablet, 230 cellphone, 100 phone tablet at 28 laptop at 200 guro ang nabiyayaan ng gadgets at ang kabuuan ay sinigurong naipamahagi ng pantay sa malaking bahagi Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region para magamit sa blended learning.

“Kung kaya ko lang bigyan ang buong bansa ginawa ko na, kaya nga idinadaan natin sa raffle para pantay ang pamamahagi, kaso marami pa rin ang nakikiusap na muli tayong mamigay, kaya pinagbigyan nating mamahagi muli,” pahayag ni Revilla.

The post Bong Revilla namudmod ng libong gadget, kalahating milyong cash first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-namudmod-ng-libong-gadget-kalahating-milyong-cash/)

Walang komento