Recent Posts

Breaking News

Black gigil sa Ginebra

Mga laro Linggo: (AUF Gym/Clark)

400pm – RoS vs NorthPort

6:45pm – Ginebra vs Meralco

REMATCH ng nakaraang Governors Cup finals ng Ginebra at Meralco sa main game mamaya ng PBA Philippine Cup restart sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles, Pampanga.

Siguradong gigil ang Bolts ni Norman Black na iganti ang 4-2 loss sa Gins sa title showdown ng season-ending conference.

“We know they’ll be ready,” ani coach Tim Cone.

Naipasa ng crowd darlings ang unang dalawang laro sa Clark bubble laban sa NLEX 102-92 at Blackwater 103-99 noong Huwebes.

Even 1-1 naman ang Meralco sa first two games, itinumba ng Phoenix 116-98 bago bumawi sa Alaska 93-81 noong Miyerkoles.

Dalawang araw lang nakapaghanda ang Gins pero siniguro ni Cone na tatapatan nila ang boltahe ng Bolts.

“I mentioned to our guys that they’re (Bolts) gonna be ready for us. We’ll meet their intensity,” giit ni Cone.

Muling aasa ang Ginebra kina Stanley Pringle, Scottie Thompson, Aljon Mariano at Prince Caperal. Unti-unti na ring nakakabalik ang ritmo nina Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Limitado pa ang minuto ni Raymund Almazan, sina Baser Amer, Chris Newsome, Cliff Hodge, Reynel Hugnatan at Allein Maliksi ang mga pamato ni Black.

The post Black gigil sa Ginebra first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/black-gigil-sa-ginebra/)

Walang komento