Recent Posts

Breaking News

Biyuda ni Kobe may halong panghihinayang sa Lakers championship

Makalipas ang isang dekada, naibalik sa Los Angeles ang Larry O’Brien trophy matapos maungusan ng Lakers ang Miami Heat, 106-93.

Ngunit may panghihinayang si Vanessa Bryant, ang asawa ng namayapang Lakers legend na si Kobe Bryant.

Sa Instagram post ni Vanessa, hiling nito na sana’y buhay pa si ‘Black Mamba’ at anak nilang si Gianna para masaksihan ang kampeonato ng Lakers.

“Go Lakers! Wish Kobe and Gigi were here to see this,” saad ni Vanessa Bryant kalakip ang larawan ni KB24 at Lakers general manager Rob Pelinka.

20 taong nagsilbi si Kobe sa Lakers franchise, kung saan nagbigay siya ng limang kampeonato para sa koponan.

The post Biyuda ni Kobe may halong panghihinayang sa Lakers championship first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biyuda-ni-kobe-may-halong-panghihinayang-sa-lakers-championship/)

Walang komento