Recent Posts

Breaking News

Beau humirit ng steak sa bubble

EXTRA ulam?

Kung markado man si ‘Big Beau’ Beau Belga sa bansag na extra rice, pati sa ulam ay tila um-extra ito.

Hindi lang kasi ‘extra rice’ ang peg ng Rain or Shine veteran sa staff ng PBA Bubble kundi humirit din ito ng steak na ulam.

“Tinanong naman kami kung anong request naming pagkain,” kuwento ng 33-anyos cager sa Sports Page.

“Nagbiro ako sa team namin, sabi ko ang pwede lang sa akin is steak,” saad pa ng former PCU star.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ni Belga na maayos silang napapadalhan ng pagkain.

Tinatanong rin aniya sila kung ano ang gusto nila at kung ano ang mga bawal.

“Tinanong naman kami. Kung ano ‘yung bawal, kung saan ka komportable,” aniya sabay banat ng “walang bawal sa akin na pagkain.”

The post Beau humirit ng steak sa bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/beau-humirit-ng-steak-sa-bubble/)

Walang komento