Recent Posts

Breaking News

Bawal bata sa EK – alkalde

Umalma ang maraming netizen sa balitang hindi papapasukin ang mga bata sa Enchanted Kingdom, na kilala sa kanilang mga kiddie ride.

Wika ni Sta. Rosa City, Laguna Mayor Arlene Arcillas ngayong Linggo, bubuksan sa half capacity at sa mga customer edad 21 pataas ang nasabing theme park.

Nilinaw niya na ang pahayag niyang “lahat pwede pumunta” sa Enchanted Kingdom ay nangangahulugan na hindi lang mga taga-Sta. Rosa ang makabibisita roon.

Hindi pa rin kasi aniya pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na lumabas ang mga senior citizen at mga edad 20 pababa.

Ayon sa alkalde, nakatakdang buksan ang EK sa weekend bago mag-Oktubre 25, para sa kanilang ika-25 anibersaryo at puwedeng puntahan na kada weekend pagkatapos.

“We see naman na even if we open it, kung mai-in place yung lahat ng protocols ay effective naman. We opened nga one of our top tourist destinations in the Philippines,” sambit ni Arcillas sa ABS-CBN’s TeleRadyo, Oktubre 11, na tinutukoy ang Boracay na nagbukas noong Oktubre 1.

“Sta. Rosa naman is MGCQ (modified general community quarantine) since a month ago pa. We’re trying to open up yung economy din ng Sta. Rosa,” aniya pa.

The post Bawal bata sa EK - alkalde first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawal-bata-sa-ek-alkalde/)

Walang komento