Recent Posts

Breaking News

Bawal ang utang kay Belga

NO credit today!

Ganyan kahigpit si Rain or Shine star Beau Belga sa kanyang ‘sari-sari store’ sa PBA bubble.

Ayon sa 6-foot-5 power forward na karamihan kasi sa buyer niya sa kanyang tindahan ay madalas mangutang.

“Lahat kasi nag-iinquire, magtatanong sila kung magkano noodles. ‘Pag sinabi mo ang sagot naman, pautang muna,” pabirong kwento ni 33-anyos cager sa Sportspage.

“Sabi ko, no credit today, tomorrow okay.”

Maging ang ‘partners in crime’ niyang si Ryan Arana ay nakisosyo na rin ng `laundry.’

“Yun din isang ino-offer sa sari-sari store, mga laundry. Lahat yan sama-sama na yan dito,” pahabol naman ni Arana.

The post Bawal ang utang kay Belga first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawal-ang-utang-kay-belga/)

Walang komento