Recent Posts

Breaking News

Bangis nina Japeth, LA unti-unting babalik

NALIGTASAN ng Ginebra ang unang dalawang asignatura sa PBA Philippine Cup restart.

Bonus na raw ‘yun kay coach Tim Cone lalo’t hindi pa 100 percent sina Japeth Aguilar at LA Tenorio na late pumasok sa Clark bubble.

Sumailalim sa appendectomy procedure si LA, tinapos naman ni Japeth ang rehabilitasyon ng dating injury.

“We’re 2-0 without a fully functioning Japeth Aguilar,” ani Cone.

Nilasing ng Gins ang NLEX at Blackwater.

“(LA) just amazing he continues to play and practice, doing full practice,” ani Cone sa kanyang pangunahing playmaker. “Still two-to-three weeks from getting back the LA that we know.”

May improvement na rin ang laro ni Japeth. Mula 7 points sa debut kontra Road Warriors ay may 11 markers at 6 boards na laban sa Elite.

“We think Japeth’s gonna get better game by game,” obserbasyon ni Cone. “We can be a lot better two weeks from now.”

Habang ibinabalik pa ng dalawa ang ritmo, sina Stanley Pringle, Scottie Thompson, Joe Devance, Aljon Mariano at Prince Caperal muna ang bahala sa kampanya ng Gins na makatuhog ng mas maraming panalo.

Babalik ang Ginebra sa Smart 5G-powered AUF gym para harapin ang karibal na 1-1 Meralco mamaya.

The post Bangis nina Japeth, LA unti-unting babalik first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bangis-nina-japeth-la-unti-unting-babalik/)

Walang komento