Recent Posts

Breaking News

Bakuna ng China ligtas gamitin – Duterte

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agam-agam ng mga Pilipino at sinabing ligtas gamitin ang anti-coronavirus vaccine na natuklasan ng China.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules, sinabi ng Pangulo na makakaasa ang mga Pilipino na hindi malalagay sa peligro ang kanilang kaligtasan sa sandaling gamitin ang bakuna ng China.

Modernong bansa aniya ang China at ang integridad ay makikita sa mga nagawa ng mga ito.

“Those of you who are asking me kung safe ba itong China: I can say that China is a modern country and it has all the wherewithal…its integrity is fully protected by its achievements,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na may kumpiyansa siya sa bakuna ng Russia at China at handa siyang magpabakuna para patunayang ligtas ang bakuna ng mga ito.

“Naghihintay akong tawagan ng China or Russia. I’d be glad to open my sleeves and [say] ‘sige’, kasi may kumpiyansa mga ako,” dagdag ng Pangulo.

Mas pabor aniya siya sa bakuna ng nabanggit na dalawang bansa kumpara sa bakuna ng Amerika at Europa dahil nanghihingi ang mga ito ng paunang bayad bago makakuha ng COVID vaccine.

“Para sa akin, it’s either China or Russia, okay na ako. Sabi nila ang Pfizer, Moderna, yung Western, US. Ok rin ‘yan kaso may proseso nga eh,” wika ng Presidente.(Aileen Taliping)

The post Bakuna ng China ligtas gamitin – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-ng-china-ligtas-gamitin-duterte/)

Walang komento