Recent Posts

Breaking News

Bagong panganak na sanggol sa Olongapo, COVID positive

Tinamaan ng COVID-19 ang isang bagong panganak na sanggol sa Olongapo nitong Huwebes.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr, ang nanay ng nagpositibong baby ay sapol din ng virus, at isang 30-anyos na Indian.

Silang dalawa ay kabilang sa 10 bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Olongapo.

197 ang active case sa lugar sa total na 572 kaso, 352 na ang gumaling habang 23 ang nasawi.

The post Bagong panganak na sanggol sa Olongapo, COVID positive first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-panganak-na-sanggol-sa-olongapo-covid-positive/)

Walang komento