Recent Posts

Breaking News

Baby River nilibing na

Hinimlay na sa Manila North Cemetery nitong Biyernes ang anak ng political detainee na si Reina Mae Nasino.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mamatay ang tatlong buwang gulang na si Baby River sa Philippine General Hospital sa Maynila dahil sa acute respiratory distress syndrome.

Ipinanganak ang sanggol sa Fabella Hospital noong July 1 at nahiwalay sa kanyang ina noong August 13.

Nanatili sa kanyang tiyahin ang sanggol habang nakakulong si Nasino sa Manila City Jail.

Dinala sa ospital si Baby River matapos ma-diagnose na may acute gastroenteritis kaya naman nanawagan ang mga human rights lawyer at grupo na pansamantalang makalaya si Nasino.

Binigyan ng tatlong araw si Nasino para sa burol ng kanyang anak pero pinalitan ito at ginawang tatlong oras sa loob ng dalawang araw dahil kakaunti lang umano ang mga tauhan ng Manila City Jail para magbantay sa una.

Magugunitang inaresto ang aktibistang si Nasino noong 2019 sa isang raid ng Manila Police District sa Bayan-Manila Office.

Isang buwan na siyang buntis noon.

Nahaharap si Nasino sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives pero ayon sa una, gawa-gawa lang umano ang mga kaso at tinanim lang daw ng mga pulis ang ebidensya sa raid. (IS)

The post Baby River nilibing na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/baby-river-nilibing-na/)

Walang komento