Recent Posts

Breaking News

Ampaw banat kay Nasino! Celine Pialago durog sa mga netizen

Trending sa social media si Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago matapos nitong magpatama sa mga kumuwestiyon sa nangyari sa anak ng political detainee na si Reina Mae Nasino.

Sa Facebook post ni Pialago, giniit nito na hindi lahat ng mga nakakulong ay nakakadalaw sa libing ng kanilang anak.

“Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” saad ni Pialago.

Binanatan din ng MMDA official dahil ginawa umanong ‘dramaserye sa hapon’ ang paghihinagpis ni Nasino.

Ilang personalidad at netizen ang nagtanggol kay Nasino, giniit na wala pang napapatunayang pagkakasala ang aktibista dahil hindi pa naman ito hinahatulan ng korte sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Marami ring pumuna kay Pialago dahil tingin ng mga nito ay hindi angkop sa isang public official ang mga sinabi ni Pialago tungkol sa pagpunta sa libing ni Nasino sa pumanaw nitong anak.

Kalaunan ay binura din ni Pialago ang kanyang nasabing post, ngunit kumalat na rin ito sa social media kung saan marami ang nagpatama sa MMDA assistant secretary.

Sa nangyaring libing kay baby River noong Biyernes, ilan sa mga napansin ng netizen ay ang dami ng mga jail officer na nakapalibot kay Nasino sa huling sandali kapiling ang kanyang anak, pati na rin ang umano’y pag-delay ng pulisya sa naturang libing.

The post Ampaw banat kay Nasino! Celine Pialago durog sa mga netizen first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ampaw-banat-kay-nasino-celine-pialago-durog-sa-mga-netizen/)

Walang komento