Recent Posts

Breaking News

Alyssa may 1.3M Instagram followers na

MAYROON nang 1.3 milyong followers sa Instagram ang dating Ateneo volleyball phenom na si Alyssa Valdez.

Dahil sa milyong followers ay kinilala ng isang International volley website si ‘Ly’ bilang isa sa sikat na balibolista sa balat ng lupa.

Kinopo nito ang ikalawang ranggo bilang most followed volleyball player sa IG na pinangunahan ni Iranian setter Saeid Marouf.

Ang twitter account naman ni Creamline Cool Smasher star ay pumatak na ngayon sa1.9M followers habang ang YouTube channel naman nito ay may kabuuan 147K subscribers.

The post Alyssa may 1.3M Instagram followers na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alyssa-may-1-3m-instagram-followers-na/)

Walang komento