Recent Posts

Breaking News

Aguirre kay Tulfo: Kasuhan mo ako, samahan pa kita

Hinamon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre III ang kolumnistang si Ramon Tulfo na kasuhan siya sa korte kaugnay ng “pastillas” scam kung mapapatunayan nito ang alegasyon laban sa kanya.

“Mr. Tulfo, because I know that you have nothing against me, handa kitang samahan kahit kaninong pulis tayo pumunta para mag-file ka ng case against me. I’m challenging you to do this, sasamahan pa kita,” pahayag ni Aguirre sa pagdinig ng Senado sa pastillas scheme.

Ayon pa kay Aguirre, hindi dumalo sai Tulfo sa pagdinig dahil iniiwasan nito ang arrest warrant na ilalabas ng korte laban sa kanya.

“Alam ninyo kung bakit wala dito si Tulfo na sa kabila ng his penchant for publicity ay hindi umattend ngayon personally before this committee? Kasi po natatakot ‘yan because he has standing warrants of arrest issued by regional trial court of Manila, Branch 24,” pahayag pa ng dating Justice secretary.

Nauna nang inakusahan ni Tulfo si Aguirre bilang protektor ng sindikato sa Bureau of Immigration (BI).

Sabi ni Tulfo, itinalaga umano ni Aguirre ang mag-amang Maynardo at Red Mariñas para tutukan ang visa upon arrival system sa bansa.

Subalit sa pagdinig sa Senado, sinabi ni BI Deputy Commissioner Tobias Javier na si Commissioner Jaime Morente ang nagtalaga sa matandang Special Operations Communications Unit.

Sabi naman kay Aguirre, ang taning itinalaga niya noong panahon niya sa DOJ ay snakababatang Mariñas bilang chief ng BI Ports Operation Division.

Sagot naman ni Tulfo, naglabas umano si Aguirre ng circular na pumipigil sa BI Commissioner na mag-assign at mag-reassign ng mga tauhan.

“Siya po ang nag-aassign ng mga personnel ng immigration sa airport. Ibig sabihn niyan, hindi puwedeng sila-sila lamang ang immigration officers sa airport na walang kinikilingan. Kailangan po may puno iyan, may grandfather. Ang grandfather po niyan ay si Mr. Aguirre,” sabi ni Tulfo.

Hindi rin umano siya dumalo sa Senado dahil sa bagong protocol na nagre-require ng swab test para sa mga resource person.

The post Aguirre kay Tulfo: Kasuhan mo ako, samahan pa kita first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aguirre-kay-tulfo-kasuhan-mo-ako-samahan-pa-kita/)

Walang komento