Recent Posts

Breaking News

Aguilar pumasok sa Clark bubble

Kumpleto na ang Ginebra.

Pumasok na rin si Japeth Aguilar sa PBA bubble sa Clark Freeport and Special Economic Zone nitong Huwebes ng hapon.

Sakto ang dating ni Japeth, matatapos ang 48-hour quarantine ng Sabado at posibleng makalaro na bukas. Tinapos muna ng 6-foot-9 forward/center ang rehab ng dating injury bago tumuloy sa bubble.

Babalatan ng crowd darlings ang kampanya sa Philippine Cup restart kontra NLEX sa AUF gym.

Nauna ng isang araw na dumating si LA Tenorio, pero inaasahan nang hindi pa makakalaro habang nagpapagaling mula sa appendectomy procedure.

Bago nagbiyahe si Japeth ay may pa-good vibes pa sa kanya ang kaibigan at teammate na si Greg Slaughter.

Nag-post sa Instagram si Slaughter ng larawan nila ni Aguilar, parehong nakangiti at magkatabing nakatayo sa isang kitchen.

“Good luck in the bubble, brother,” caption ng Cebuano.

“Hope to play with you soon,” sagot ni Japeth.

Huling magkasamang naglaro ang Twin Towers noong Governors Cup nang pagtulungang ihatid ang Gin Kings sa kampeonato laban sa Meralco. Si Aguilar ang Finals MVP ng series.

Nang mapaso ang kontrata ni Slaughter, nag-desisyong magpahinga muna sa basketball at pumunta ng US. Tuloy ang ensayo niya doon kahit may pandemic, hanggang bumalik ng Pilipinas ilang araw na ang nakakaraan.

The post Aguilar pumasok sa Clark bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aguilar-pumasok-sa-clark-bubble/)

Walang komento