Recent Posts

Breaking News

Aguilar bomalabs lumaro vs NLEX

Late din pumasok sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble si Japeth Aguilar.

Ngayong araw ang inaasahang dating ng Ginebra big man.

Tinapos muna niya ang rehabilitasyon mula sa dating injury bago sinamahan ang teammates.

Kumpleto na ang 15-man lineup ng Gin Kings sa 45th PBA Philippine Cup 2020 elims restart.

Pero mandatory na sumailalim sa 48-hour isolation ang bawat papasok sa bubble, pagkatapos ma-swab ay doon muna sila sa kanilang kuwarto sa Quest Hotel.

Sa opening day ng restart sa Linggo sasalang na agad ang crowd darlings laban sa NLEX Road Warriors sa main game ng double-header sa AUF gym.

Mula sa araw ng isolation hanggang oras ng laro ng 6:45 pm, doubtful kung makakapag-start ang forward sa Ginebra.

Sina regulars Raymond Aguilar, Prince Caperal at veteran Joe Devance muna ang poposte sa Gins.

Masusubukan din ni coach Tim Cone ang newbie niyang si forward Arvin Tolentino na 10th pick ng Gins mula FEU noong December.

The post Aguilar bomalabs lumaro vs NLEX first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aguilar-bomalabs-lumaro-vs-nlex/)

Walang komento