Recent Posts

Breaking News

African Swine Fever pinasirit presyo ng baboy

Isinisi ng Bureau of Animal Industry ang mamabang produksiyon ng karneng baboy sa Southern at Central Luzon sa African Swine Fever kaya’t mataas ang presyo ng baboy sa Metro Manila at katabing rehiyon.

Sa pagdinig ng panukalang P86.3 bilyong pondo ng Department of Agriculture para sa 2021, sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na kailangn pang ibiyahe ang mga baboy mula iba’t ibang lugar patungo sa Metro Manila.

“Yung iba pong nag-alaga nag-slow down, yung iba nag-early harvest na po sila kayat sa nationwide po ay mayroong tayong estimated na 20% reduction sa swine inventory po natin,” pahayag ni Domingo sa komite.

“Hardest hit of ang Central Luzon at Southern Tagalog kaya po ‘yung mga nagsu-supply ng baboy sa Metro Manila mas malayo na po ang binibilhan nila and this adds to the cost of the retail prices of pork in Metro Manila,” dagdag nito.

Ayon pa kay Domingo, ang mga livestock grower na naapektuhan ng ASF ay kinakailangan ng walong buwan para makapagnegosyong muli depende sa pagsunod nila sa disinfection requirement.

Nanawagan naman si Senador Cynthia Villar sa DA na bilisan ang pagbabayad sa mga nag-aalaga ng mga baboy na may ASF nang sa gayon ay hindi pa kumalat pa ang sakit sa isang partikular ng lugar.

“Ang tagal magbayad ng DA, so yung may mga baboy na may ASF, gumagawa ng paraan na pinagbibili, kasi mahihirap sila, gagawa sila ng paraan sa buhay nila kaya kumakalat ang ASF,” sabi ni Villar, chair ng Senate committee on agriculture and food.

“Your procedure of paying should be mabilis, pag hindi mabilis ang pagbabayad kasi ilulusot nila yan. Kasi mahihirap, walang panggalingan sila ng kita eh,” sabi pa ni Villar.

The post African Swine Fever pinasirit presyo ng baboy first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/african-swine-fever-pinasirit-presyo-ng-baboy/)

Walang komento