Recent Posts

Breaking News

Adebayo sabak sa Game 3, Dragic hindi sigurado

SINABI ni Miami heat star Bam Adebayo sa Yahoo Sports na tingin niya ay makakalaro na siya sa Game 3 ng 2019-2020 NBA Finals sa Lunes (Linggo sa Amerika).

“Yes, I believe I’ll be in the lineup,” sey ni Adebayo matapos ma-sideline sa Game 2 na pinagwagian pa rin ng Los Angeles Lakers, 124-114, Sabado (Biyernes sa Tate) para sa 2-0 bentahe.

“I’m feeling better. I believe I’ll play.”

Hindi naman sigurado kung sasalang na sa Game 3 ang isa pang Heat starter na si Goran Dragic.

Na-injury rin sa Game 1 si Dragic, nakaranas ng left plantar tear sa paa kaya absent sa Game 2.

The post Adebayo sabak sa Game 3, Dragic hindi sigurado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/adebayo-sabak-sa-game-3-dragic-hindi-sigurado/)

Walang komento