Recent Posts

Breaking News

Abueva may 1 pang kulang para makalaro

Nagawa lahat ni Calvin Abueva ang ni-require sa kanya ng PBA para maalis ang indefinite suspension.

Isang bagay na lang na kailangan pa niyang tuparin, pero nagpakatanggi-tanggi si commissioner Willie Marcial na sabihin kung ano.

Sa kabila nito, may tsansa na makalaro din ang The Beast sa PBA restart sa Clark.

Nasa bubble na si Abueva, nasa official lineup rin ng Phoenix Super LPG ang kanyang pangalan.

Kailangan niyang gawin ang requirement para maalis ang asterisk sa pangalan sa listahan. Kung hindi, sa kanyang kuwarto sa Quest Hotel na lang niya panonoorin ang mga laro ng Fuel Masters.

Tapos na rin ni Calvin ang online seminar sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issues na ni-require ng GAB para maibalik ang kanyang professional license.

Nagkasunod-sunod ang atraso ni Calvin bago nabigyan ng indefinite suspension noong June 2019.

Pinakitaan niya ng lewd gestures at pinagsalitaan ng hindi maganda ang girlfriend ni Bobby Ray Parks sa laro ng Phoenix at Blackwater. Sa sumunod na salang ng Fuel Masters, binigyan ni Abueva ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones.

Matapos ibagsak ni Marcial ang indefinite suspension, inakusahan naman siya ng asawa ng physical at sexual harassment. Kalaunan, nagkabati ang mag-asawa.

Kailangan ding sumalang ni Abueva sa mandatory drug test na bahagi ng medical requirements.

The post Abueva may 1 pang kulang para makalaro first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abueva-may-1-pang-kulang-para-makalaro/)

Walang komento