Recent Posts

Breaking News

7 ospital sa Metro Manila apaw na sa COVID patient

Umabot na sa full capacity ang mga COVID-19 bed sa pitong ospital sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Health (DOH).

Sa Oct. 14 data mula sa DOH COVID-19 tracker, nag-report na ng 100 percent COVID-19 bed occupancy rate ang mga sumusunod:

· Allied Care Experts Medical Center-Valenzuela

· Mary Chiles General Hospital Inc.

· National Center for Mental Health

· Rosario Maclang Bautista Hospital

· SDS Medical Center

· Taguig Pateros District Hospital

· Victoriano Luna Medical Center

Samantala, nanatili naman sa 27 sa 127 ang mga ospital sa Metro Manila na nasa “danger zone” o 70 porsiyento nang napunan ang mga higaan para sa mga pasyenteng may coronavirus.

Nananatili ring nasa “warning level” ang bed occupancy rate sa buong Metro Manila kung saan 52.4 porsiyento na ang okupado ng mga COVID positive.

The post 7 ospital sa Metro Manila apaw na sa COVID patient first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-ospital-sa-metro-manila-apaw-na-sa-covid-patient/)

Walang komento