Recent Posts

Breaking News

4M baboy nawala sa Luzon dahil sa ASF – Sinag

Ito ay ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) at dito nila sinisi kung bakit sumipa na sa P300 kada kilo ang presyo ng baboy sa Luzon.

Sabi ni SINAG chair Rosendo So, mahalagang mapadala ng Department of Agriculture ang 30% ng mga baboy ng Visayas at Mindanao para mabalanse ang suplay at hindi imports at frozen pork na lang ang aasahan sa Luzon.

Aniya, may banta pa rin ng ASF sa bansa.

“ASF is still a threat to the hog industry not only in Luzon but in Visayas and Mindanao,” sabi ni So.

Inamin ni Bureau of Animal Industry (BAI) Executive Director Ronnie Domingo na muling kumakalat ang ASF sa bansa.

Sa mga ulat ng BAI sa World Animal Health Organization o OIE, hindi pa umaabot sa 200,000 ang sinabi nitong kaso ng ASF sa bansa, malayo sa sinasabi ng SINAG na apat na milyon na sa Luzon pa lamang.

Ang nakababahala pa, kumakalat na rin ang ASF sa Mindanao. Sa report ng BAI sa OIE nung September 28, sinabi nitong may 14 na bagong outbreak sa iba’t ibang lugar sa Mindanao kung saan may nakita itong 226 na kaso at 7,518 na baboy ang pinatay at sinunog.

The post 4M baboy nawala sa Luzon dahil sa ASF – Sinag first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4m-baboy-nawala-sa-luzon-dahil-sa-asf-sinag/)

Walang komento