Recent Posts

Breaking News

36 points binuhos! Wright pasiklab agad vs Meralco

Parang walang kalawang si Phoenix Super LPG star Matthew Wright sa unang laro nito simula pa noong Enero kung saan nagpakawala agad siya ng 36 points para gibain ang Meralco, 116-98.

Sa nasabing laro, nabanggit ni Wright ang yumaong NBA legend na si Kobe Bryant, na aniya’y nagsilbing idolo niya sa basketball.

Halftime pa lang ay lumayo na ang Phoenix, abante ng 12 puntos papasok ng second half, 53-41.

Umagapay naman kay Wright ang dalawang big man nila na sna Justin Chua at Jason Perkins, na kapwa nagbuslo ng 17 puntos.

Naging maalat ang pasimula ng dalawang starter ng Meralco na sina Baser Amer at Chris Newsome na may pinagsamang 19 points sa laro.

Sumalang na rin sa unang pagkakataon sa PBA ang anak ni Norman Black na si Aaron, kung saan nagtala siya ng 6 points at tatlong assists.

The post 36 points binuhos! Wright pasiklab agad vs Meralco first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/36-points-binuhos-wright-pasiklab-agad-vs-meralco1/)

Walang komento