Recent Posts

Breaking News

36 Bilibid inmate nagpositibo sa rapid test

36 Bilibid inmate nagpositibo sa rapid test

Nagpositibo sa coronavirus disease ang 36 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) matapos silang isailalim sa rapid test, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes.

Dinala na ang apektadong mga inmate sa COVID-19 isolation facility na “Site Harry” sa NBP.

Sumalang na rin sa confirmatory reverse transcription-polymerase chain reaction test ang mga naturang preso para masigurong positibo sila sa COVID-19.

Anang BuCor, sakaling lumabas na ang resulta ng confirmatory test, ang mga magpopositibo ay mananatili sa “Site Harry” hanggang sila ay gumaling habang ang mga magnenegatibo ay ibabalik sa kani-kanilang selda.

Ang 36 bilanggo ay kabilang sa 200 inmate na nasa Maximum Security Compound ng Bilibid na dumaan sa COVID-19 rapid test noong Oktubre 13.

The post 36 Bilibid inmate nagpositibo sa rapid test first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/36-bilibid-inmate-nagpositibo-sa-rapid-test/)

Walang komento