Recent Posts

Breaking News

3 lindol umuga kanina sa Iloilo

Tatlong malalakas na lindol ang sunud-sunod na yumanig sa San Joaquin, Iloilo kaninang alas-otso ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.5 na lindol noong 8:27 ng umaga, magnitude 4.4 na lindol alas-8:32 ng umaga, at magnitude 4.4 na lindol din alas-8:41 naman ng umaga, pawang ngayong Biyernes, Oktubre 16.

Ang lalim ng mga pagyanig, ayon sa pagkakabanggit, ay umabot sa 11 kilometro, 1 km, at 1 km.

Ang naturang mga lindol, sabi ng Phivolcs, ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock.

The post 3 lindol umuga kanina sa Iloilo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-lindol-umuga-kanina-sa-iloilo/)

Walang komento