Recent Posts

Breaking News

24 rookie papasiklab sa PBA Philippine Cup

MASUSUBOK ang kakayahan ng 24 rookies mula sa napili na kabuuang 45 sa ginanap 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft noong Oktubre nakaraang taon sa pagsabak sa magbubukas muli ngayon na 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga.

Apat sa mga mapapalad na rookie na nakakuha ng kontrata ay kabilang sa Rain or Shine Elasto Painters na may pinakamaraming bagito na nasa loob na mismo ng PBA Bubble na sina Clint Doliguez, Rashleigh Rivero, Adrian Wong at Vince Tolentino.

Tatlo ang isasabak ng Barangay Ginebra na sina Arvin Tolentino, Kent Salado at Jerrick Balanz gayundin sa Alaska Aces na sina Kevin Barkley Ebona, Jaycee Marcelino at Reynaldo Publico.

May trio din ang Terrafirma Dyip na sina No. 1 draft pick Roosevelt Adams, Edson Batiller at Christian Balagasay.

May tigalawang rookies ang San Miguel Beer na sina Wendell Comboy at Daniel de Guzman; NLEX Road Warriors na sina Mike Ayonayon at William McAloney; ang Blackwater Elite kina Maurice Shaw at Richard Escoto at panghuli ang NorthPort Batang Pier kina Sean Manganti at Renzo Subido.

Tig-isa naman ng rookie ang TNT Tropang Giga kay Kib Montalbo; ang Meralco Bolts kay Aaron Black at Magnolia Hotshots kay Aris Dionisio.

Tanging ang Phoenix Super LPG Fuel Masters na koponan na walang kasama na rookie.

The post 24 rookie papasiklab sa PBA Philippine Cup first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/24-rookie-papasiklab-sa-pba-philippine-cup/)

Walang komento