Recent Posts

Breaking News

14,941 dagdag sa gumaling sa COVID, active case bumaba sa 39K

Sumirit sa 310,158 ang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa bansa matapos na maitala ang 14,941 new recovery nitong Linggo.

Ito ay base sa tala ng Department of Health (DOH), kung saan dumausdos din ang bilang ng active case sa 39,808.

Samantala, akyat sa 356,618 ang kabuuang bilang ng confirmed case sa 2,379 bagong tinamaan ng virus.

Karamihan ay mula sa Quezon City na may 172 case, sinundan ng Rizal (147), Bulacan (136), Caloocan (117) at Cavite (101).

Bahagyang tumaas naman ang death toll sa 6,652 sa 50 dagdag sa nasawi sa COVID-19.

The post 14,941 dagdag sa gumaling sa COVID, active case bumaba sa 39K first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/14941-dagdag-sa-gumaling-sa-covid-active-case-bumaba-sa-39k/)

Walang komento