Recent Posts

Breaking News

13th month, obligadong ibigay ngayong Pasko – Bello

Walang magaganap na exemption at deferment o pagpapaliban sa 13th month pay ng mga manggagawa ngayong Kapaskuhan.

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III matapos umani ng iba’t ibang reaksiyon ang mungkahi nito na i-exempt o ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month ng mga kompanyang malubhang naapektuhan ng COVID pandemic.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Bello na maglalabas ito ng memorandum order ngayong Biyernes na kailangang ibigay ng mga kompanya ang 13th month pay ng kanilang manggagawa bago ang December 24, 2020.

“We will not postpone, defer, and we will not give any exemption to the payment of 13th month pay. The law says pay the workers their 13th month pay on or before December 24, iyan po ang ipapatupad ng Department of Labor,” ani Bello.

Bibigyan aniya ng opsyon ang mga micro and small business enterprises o mga distressed companies para sa usapin ng 13th month pay.

Sinabi ni Bello na hihilingin niya kay Finance Secretary Carlos Dominguez na i-subsidize ng gobyerno ang pambayad sa 13th month pay ng mga maliliit na kompanya o kaya naman ay bigyan ng opsyon na makapangutang sa mga bangko.

Sa ngayon, anang kalihim, ay wala pa siyang natatanggap na abiso mula sa mga kompanya ng matinding pagkalugi dahil sa pandemic.

“Kung hindi natin maibigay ‘yung subsidy na ‘yon, puwede natin silang bigyan ng loan facility sa lahat ng mga bangko,” dagdag ni Bello.

The post 13th month, obligadong ibigay ngayong Pasko - Bello first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/13th-month-obligadong-ibigay-ngayong-pasko-bello/)

Walang komento