Recent Posts

Breaking News

125,000 Beep card libreng ibibigay

Inanunsyo ng AF Payments Inc., ang service provider ng Beep card, na mamamahagi sila ng 125,000 Beep card para sa mga commuter na nangangailangan.

Ito’y matapos na suspendihin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mandatory na paggamit ng nasabing card dahil sa hinaing ng publiko sa presyo nito na abot P180 sa unang bili.

Saad ng AFPI, ang kanilang ibibigay na mga card ay donasyon ng kanilang mga shareholder at iba pang business group.

Bukod dito, sinolusyunan din ng service provider ang problema sa Beep card, na anila’y maglalatag ng QR code ticketing system para hindi na kailanganing bumili ng Beep card.

Sa naturang sistema, tanging pamasahe lamang ang ibabayad ng mga commuter sa kanilang biyahe.

“QR paper tickets will not cost anything in addition to the regular fare for the desired trip,” lahad ng AFPI.

Sa oras na umarangkada na ang QR code ticket system ay hindi na mamimgay ng libreng Beep card ang AFPI.

The post 125,000 Beep card libreng ibibigay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/125000-beep-card-libreng-ibibigay/)

Walang komento