Recent Posts

Breaking News

1 pang PhilHealth official nag-resign

May isa pa umanong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naghain ng courtesy resignation kasunod ng alegasyon ng malawakang katiwalian sa state health insurer.

Kinumpirma ito ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña ngayong araw. Hindi naman niya pinangalanan ang nadagdag na resigned executive.

“As of late, ang una nating naipahayag ay 43 na…. Nadagdagan ‘yan ng isa pa na nag-file ng courtesy resignation. Lahat-lahat ‘yan ay 44 na,” ani Baleña sa dzBB, Oktubre 18.

Una nang sinabi ng PhilHealth na may 27 senior officer silang nagpresenta ng courtesy resignation, habang 16 ang nagretiro na.

Gayunman, ani Baleña, epektibo lang ang mga courtesy resignation kapag tinanggap na ni PhilHealth CEO Dante Gierran.

“May isang buwan si Atty. Gierran para aksiyonan ang nasabing mga courtesy resignation,” saad niya pa.

The post 1 pang PhilHealth official nag-resign first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-pang-philhealth-official-nag-resign/)

Walang komento