Recent Posts

Breaking News

Zarate: Mga anomalya sa proposed 2021 budget puro pork

riley cea

Usapin ng pork barrel ang lahat ng mga lumutang na kontrobersiya habang tinatalakay ng mga mambabatas ang panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon, ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Sa isang pahayag ngayong araw, binanggit ni Zarate na “presidential pork” ang 4.5 bilyong pisong confidential at intelligence funds ng Office of the President.

“Generals’ pork” naman aniya ang P19.1 bilyong badyet ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nilagay aniya sa iba’t ibang state department.

Maging aniya ang nakikitang agwat sa alokasyon ng pondo ng mga ahensiya ng gobyerno–pangunahin ang Department of Public Works and Highways–kada distrito ay “of course, a matter of pork”.

“This is also the reason why many lawmakers are questioning the supposed huge allocations of projects to some areas while others did not get as much,” wika ng Davao-based solon.

Ayon kay Zarate, ang mga nabanggit na “pork-like allocations” ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit palaging kinakaltasan ang mga pondo para sa social services.

Ang dapat aniyang gawin ng gobyerno ay ilipat lahat ng mga proposed “pork” sa pondo upang malabanan ang coronavirus pandemic at matulungan ang lahat ng mga apektado nitong krisis.

“These pork-like allocations are also one of the main reasons why funds for social services like that for public hospitals, schools and social pension are perennially being slashed,” wika ng progresibong mambabatas.

“As it is, it would indeed be better to realign all these pork-like allocations in, among others, the fight against Covid 19, in aid to those displaced and now jobless workers and help our children still study well under these current conditions,” aniya pa.

The post Zarate: Mga anomalya sa proposed 2021 budget puro pork first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zarate-mga-anomalya-sa-proposed-2021-budget-puro-pork/)

Walang komento