Recent Posts

Breaking News

Yorme Isko: Paano kung ang tinambak ay black sand?

Nagpalutang ng tanong si Manila Mayor Isko Moreno sa mga kritiko ng white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay, kabilang ang ilang mambabatas.

Paano aniya kung itim na buhangin ang itatambak, at pinunto pa sa mga mambabatas na inaprubahan nila ang 2020 budget at nakita ang pondo para sa “white beach” makeover ng bay.

“So these lawmakers, I understand their feelings. But remember, they are part of the approval of the 2020 budget last year and it was presented to them one way or another,” ani Moreno sa ANC, Huwebes.

“Third, timeliness. Eh two years ago pa ito e. Hindi ito nasimulan nang isang linggo, isang buwan o nung January. This is two years ago, so it didn’t happen overnight.”

“It’s just that your attention or some other individuals’ attention was called when it is white sand. But what if it is black sand?,” usisa niya pa.

Tugon ito ng alkalde sa panawagan ng tatlong senador na pansamantalang ihinto ng DENR ang white sand project nito, matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na nakapagdudulot ng respiratory illness ang dolomite dust na nilagay sa Manila bay.

Kumambiyo naman ang DOH at sinabing ang dolomite na nasa “bulk state” ay hindi mapanganib sa kalusugan.

The post Yorme Isko: Paano kung ang tinambak ay black sand? first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yorme-isko-paano-kung-ang-tinambak-ay-black-sand/)

Walang komento