Recent Posts

Breaking News

Wristband vs. COVID sa Caloocan

Para mabantayan ang mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive na indibidwal, gagamit na ang Caloocan City ng mga wristband.

Simula Lunes, ipamamahagi na ang Quarantine Band o Q Band sa ilang residente ng lungsod na kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Ang naturang orange band na kasama ng Q Band Public App ay may unique na QR code.

Sa kanyang wristband, mababahagi ng mamamayan ang kanyang health status, location at ang infection risk.

Ginagamit na ang Q Band sa ibang lugar, gaya ng Hong Kong at South Korea.

The post Wristband vs. COVID sa Caloocan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wristband-vs-covid-sa-caloocan/)

Walang komento