Recent Posts

Breaking News

Wrestler binitay, Iran sisipain sa IOC

Pinamumunuan ng Global Athlete kahapon ang pagde-demand sa International Olympic Committee (IOC) at sa United World Wrestling (UWW) na pataliskin ang Iran matapos ang isinagawang execution sa wrestler na si Navid Afkari.

Iniulat ng Iranian state media na ang wrestling champion na si Afkari ay binitay nitong Linggo kahit na ang kaso ay humatak ng atensiyon sa buong mundo pati kay United States President Donald Trump na humiling ng clemency.

Ang 27-anyos na si Afkari ay hinatulan ng dalawang death sentences dahil sa pagsaksak sa isang security guard na namatay at sa kanyang pagkakasangkot sa demonstrasyon kontra sa pamahalaan noong 2018.

Inihayag ni Afkari na siya ay na-torture upang gumawa ng mga “false confession” kung saan ang mga human rights groups at activists ay naniniwala na ito ay tinarget ng Iranian authorities upang takuting ang iba pa na lalahok sa mga mapayapang protesta.

Ipinaliwanag ng IOC at UWW na sila ay halos nasa “constant contact” sa Iranian National Olympic Committee pati na sa Iranian Wrestling Federation para makahanap ng solusyon subalit nabigo.

Matapos ang execution ay nagpahayag lamang ang IOC at UWW sa ulat na “very sad” at “devastating”.

The post Wrestler binitay, Iran sisipain sa IOC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wrestler-binitay-iran-sisipain-sa-ioc/)

Walang komento