Recent Posts

Breaking News

‘White sand para sa mental health? Roque nakakainsulto’

Hindi talaga natuwa ang mga netizen sa pahayag ng Palasyo na makabubuti umano sa mental health ng mga Pilipino ang pagpapaganda ng Manila Bay gamit ang synthetic white sand na gawa sa dolomite rock.

“Sa gitna ng pandemya, kailangan din pangalagaan ang mental health. I think iyong pagpapasyal sa mga lugar kagaya ng Manila Bay na may white beach, hindi mo maku-quantify ang epekto niya pagdating sa mental health ng ating mga kababayan, ‘yong kapayapaan na mag-isip at ‘yong break,” sabi pa ngayong buwan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bilang tugon, pinakita ni Twitter user @TetsMakino ang “realidad” sa National Center for Mental Health na “nakaaawa, pinabayaan, at kawawa” na ang kondisyon.

Hindi aniya niya sinasabi na bago ang sitwasyon sa NCMH pero naiinis aniya siya na ginagamit ang mental health upang pangatwiranan ang naturang beautification project sa gitna ng pandemya.

Nakasaad pa sa Facebook post na parte ng tweet na dumaranas ang NCMH ng “budget cut, kaliwat-kanan na korapsyon ng mga opisyales, understaffed and overworked doctors and nurses, at halos panlilimos ng mga frontliners dito ng kanilang gagamiting PPEs (personal protective equipment).”

Nagalit at nasaktan ang mga netizen sa “priorities” ng gobyerno.

The post 'White sand para sa mental health? Roque nakakainsulto' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/white-sand-para-sa-mental-health-roque-nakakainsulto/)

Walang komento