Recent Posts

Breaking News

Walang matibay na ebidensiya kay Duque – Lacson

Maging si Senador Panfilo Lacson ay kumbinsidong wala mabigat na ebidensya para patunayan ang criminal liability ni Health Secretary Francisco Duque III sa alegasyon ng kuwestiyonableng pag-release ng PhilHealth funds sa pamamagitan ng kanilang interim reimbursement mechanism (IRM).

“If I had my way, as I already said before, based on the three hearings of the Committee of the Whole, there may not be enough evidence to recommend criminal charges against Sec. Duque,” pahayag ni Lacson sa isang statement.

“For the simple reason that like the other members of the PhilHealth Board, he had no hand in the illegal implementation of the IRM; nor was he involved in the procurement of overpriced IT equipment,” dagdag nito.

Gayunpaman, nirerespeto umano niya ang ‘view’ ng kanyang mga kasama sa Senado.

“However, my colleagues – particularly Senate President Sotto who chaired the COW hearings – would have seen it another way. Since we are a collegial body, we always abide by the rule of the majority,” ani Lacson.

Nauna rito, nirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong malversation at graft and corruption charges laban kay Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth kaugnay ng iligal na pagpapatupad ng IRM.

Kasama din sa rekomendasyon ng komite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpalit kay Duque bilang kalihim ng DOH.

SI Duque ay ex-officio chairman ng PhilHealth.

“To appoint a new Secretary of the DOH who has a stronger will fight corruption within his organization and the agencies under his/her watch,” ani Lacson.

The post Walang matibay na ebidensiya kay Duque – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-matibay-na-ebidensiya-kay-duque-lacson/)

Walang komento