Recent Posts

Breaking News

VP Leni deserve mabigyan ng malaking budget – De Lima

Karapat-dapat lang na mabigyan ng malaking budget ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo dahil ‘competent’ naman ito pagdating sa pagsisilbi at pagtulong sa mamamayan, ayon kay Senador Leila de Lima.

“There should be no debate here: the Office of the Vice President deserves a higher budget for next year,” ani De Lima.

“Time and again, VP Leni Robredo and her office have proven just how competent they are in serving and helping our countrymen, especially during this pandemic,” dagdag pa nito.

Bukod pa diyan, ang OVP din aniya ang may pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit kesa sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Pero, mahirap talagang ispelingin ang administrasyon na kung hindi man baligtad mag-isip ay sadyang gusto lang manggipit ng mga hindi nila kapanalig,” sabi ni De Lima.

Mahigit P723.49 milyon ang hiling ng OVP para sa kanilang budget sa 2021 subalit binawasan ito ng DBM at ginawa na lamang P679 milyon, pinakamalitt sa lahat ng ahensiya sa ilalim ng panukalang budget sa susunod na taon.

“Hiyang-hiya naman ang kakapiranggot na budget ng OVP kumpara sa bilyon-bilyong intel fund ni Duterte!” ayon kay De Lima.

Pakiwari ng senadora, ayaw ng gobyernong Duterte na maraming maaruga at maiangat na buhay ang tanggapan ni VP Leni kaya maliit lang ang pondong binibigay nito sa kanya.

“Mas gusto ba ng rehimeng ito na higit na paglaanan ng budget ang mga ahensyang palpak at gatasan ng mga tiwali nilang kaalyado?” sabi ni De Lima.

“Ang malinaw: Sa mas malaking pondo, mas maraming matutulungan ang isang #BusyPresidente. Habang hanggang ngayon, wala pa rin tayong napapala sa isang batugan, patulog-tulog at laging missing-in-action na Pangulo,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

The post VP Leni deserve mabigyan ng malaking budget – De Lima first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-deserve-mabigyan-ng-malaking-budget-de-lima/)

Walang komento