Recent Posts

Breaking News

Volunteer nagkasakit, COVID vaccine trial ng AstraZeneca hininto

Panandaliang tinigil ng drug company na AstraZeneca ang global trial ng kanilang COVID-19 vaccine dahil nakaranas ng hindi-maipaliwanag na sakit ang isa sa mga volunteer nila.

Ito umano ay para ma-review nila ang safety data hinggil sa vaccine trial ng bakuna nila na pinangalanang Oxford vaccine dahil dinebelop ito ng Britain’s University of Oxford.

“This is a routine action which has to happen whenever there is a potentially unexplained illness in one of the trials, while it is investigated, ensuring we maintain the integrity of the trials,” ayon sa AstraZeneca sa isang pahayag.

“In large trials, illnesses will happen by chance but must be independently reviewed to check this carefully,” dagdag nito.

Kabilang sa mga karaniwang adverse event sa vaccine trial ay lagnat, sakit sa ulo, pagkirot sa injection site, at muscle pain.

Ang AstraZeneca vaccine ang isa sa tatlong coronavirus vaccine na nasa Phase 3 trial na sa Amerika.

Tine-test ng kompanya ang naturang bakuna sa United States, maging sa United Kingdom, Latin America, Asia, Europe, at Africa.

The post Volunteer nagkasakit, COVID vaccine trial ng AstraZeneca hininto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/volunteer-nagkasakit-covid-vaccine-trial-ng-astrazeneca-hininto/)

Walang komento