Recent Posts

Breaking News

VIRAL: Kelot na may dahon ng saging sa mukha

Hindi pasaway ang mga Pinoy; masunurin sila kung mayroon lang pera at kagamitan.

Ito ang komento ng ilang netizen na nakasaksi sa isang lalaki sa Cauayan City, Isabela na ang ginagamit na face shield ay dahon ng saging na nilagyan ng butas sa bandang mata.

Namataan ng pulis Cauayan ang nagbibisikletang lalaki, na residente ng Barangay Alinam, habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa nasabing barangay.

“Agad nila itong kinausap at tinanong kung bakit dahon ng saging ang gamit nitong face shield at ang tugon nito ay wala daw syang pambili,” kwento ng pulisya sa Facebook.

Hindi hinuli ng pulis Cauayan ang lalaki, kundi binigyan ni PSSg Mark Anthony Ramirez ng itim na face mask.

Required na magsuot ng face mask at face shield sa mga pampulikong lugar, mass transport, at mass gathering sa Cauayan.

Samantala, umabot na sa 40,000 reactions at 32,000 shares ang Facebook post ukol sa naturang residente.

 

 

The post VIRAL: Kelot na may dahon ng saging sa mukha first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/viral-kelot-na-may-dahon-ng-saging-sa-mukha/)

Walang komento