Recent Posts

Breaking News

Villar nabuwisit sa PCC official

Galit na galit si Senador Cynthia Villar sa opisyal ng Philippine Carabao Center sa nangyaring pagdinig ng Senado sa estado ng dairy industry sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na pinumunan ni Villar, gigil na gigil at sinabon nito ng todo si PCC Executive Director Dr. Arnel Del Barrio.

Ayon sa senadora, nagbigay umano siya ng P10 milyong pondo sa PCC para sa pagtatayo ng process center para maproseso ang mga batas mula sa mga kalabaw subalit kung saan aniya dinala ni Del Rosario ang pondo.

“Kung talagang naintindihan mo ang pinaggagagawa ko s’yo, I gave it to you para tulungan mo ang mga farmers na magkaroon ng hanapuhay. Magkaroon sila ng processing center,” sabi ni Villar kay Del Barrio.

“Ba’t hindi ginagawa” Ba’t hindi ginawang priority? Ikaw na ang nagsabi ng P10-M ang kailangan pero ayaw mo ipagawa ang building. Saan mo dinala ang pera? Sumaggot ka sumagot ka!” galit na pahayag ni Villars a opisyal.

Nadisubre din ni Villar na P28 milyon ang alokasyon ng PCC para sa milk feeding program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bagay na kinuwestiyon ng senadora.

Himutok ni Villar, hindi trabaho ng PCC ang feeding program dahil ang trabaho nito ay mag-produce ng maraming kalabaw at maraming gatas.

“Noong isulat naming ang batas, hindi ikaw ang gagastos doon sa feeding. Ang sabi doon sa inyo lang bibili. Di ba ang DSWD at DepEd magfe-feeding sila at sila ang bibili sa s’yo? Bakit sasabihin mo ikaw ang magfe-feeding?” tanong ni Villar kay Del Barrio.

Ayon pa sa senadora, kung titingan aniyua ang bansa bansa katulad ng Israel, 40 litro kada araw ng gastas ang kaya nilang i-produce samantalang sa Pilipinas ay tatlong litro lang kada araw sa isang kalabaw.

“Kung ako ang head niya at ‘yan ang performance ko magus-suicide ako. Nakakahiya,” pasaring pa ni Villar kay Del Barrio.

“Kaya maraming mahirap na batas sa Pilipinas ang wawlang pag-asang na uminom ng milk kasi lahat imported eh. The only way na makainom sila is maka-produce ng milk sa bayan natin apra kung ipagbibili ay mura para sa kanila,” sabi pa nito.

Sa sama ng loon ni Villar, sinabihan nito si Del Barrio na sinira nito ang kanyang pangaraw na matulungan ang mga dairy farmer at makapag-produce ng gatas sa bansa.

“Kaya ang sama-sama ng loob ko, sinira mo (Del Barrio) ang pangaraw ko sa dairy farmers,” sabi ni Villar.

Sagot naman ni Del Barrio, “Itututloy po naming ang pangarap n’yo. Kahat naman po ng pinapagaa n’yo, ginagawa naming eh.”

The post Villar nabuwisit sa PCC official first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/villar-nabuwisit-sa-pcc-official/)

Walang komento