Recent Posts

Breaking News

Villanueva: Mga Pinoy freelancer naaabuso

Sisimulan nang talakayin sa Senate floor na naglalayong i-institutionalize ang mga freelance worker sa bansa na ayon kay Senador Joel Villanueva ay madalas na naaabuso.

“Unfortunately, the freelance sector is very much prone to abuse,” pahayag ni Villanueva, chair ng Senate labor committee sa pag-endorso ng Senate Bill No. 1810 o panikalang Freelancers Protection Act.

Sabi ni Villanueva, kadalasa’y ‘underpaid’ ang mga freelancer dahil hindi nila alam kung magkano ang dapat i-charge sa isang partikular na proyekto.

Una na nang inamin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang labor protection para sa mga freelance at self-employed professional.

“Freelancer are not at all covered by any of our labor standards,” dagdag pa ni Villaneuva.

Sa 2018 Global Freelancer Insights Report, tinatayang aabot sa 1.5 milyon ang freelance worker sa Pilipinas.

Katumbas ng dalawang porsiyento ng populasyon ng bansa at 75 porsiyento nito ay may edad 24 hanggang 39.

“Indeed, more and more young people are attracted to this work arrangement. The reasons for this is obvious: the younger generations are not only tech-savvy which make them suited for ‘crowd work,’ but they also want flexibility and autonomy,” ayon kay Villaneuva

“In short, they are skewing the traditional 9 a.m. to 5 p.m. jobs and choosing to be their own boss,” wika pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang hiring party at freelance worker ay obligadong magkaroon ng written contract.

“This measure ensures the rights of a freelancer, including their right to affordable and adequate financial services, their right to education and skills training as well as social protection and social welfare benefits, among others,” ayon sa senador.

Nakasaad din dito na mandato ng Department of Labor and Employment na magsagawa ng seminar sa legal resources para sa mga freelancer. (Dindo Matining)

The post Villanueva: Mga Pinoy freelancer naaabuso first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/villanueva-mga-pinoy-freelancer-naaabuso/)

Walang komento