Recent Posts

Breaking News

Vico Sotto nag-donate ng dugo

Hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko na mag-donate ng dugo kung malusog naman ang pangangatawan.

Sa kanyang Instagram post, makikita si Sotto habang hawak ang donasyon niyang dugo.

“Ngayong pandemya, kumonti ang nagbibigay ng dugo. Napaka sakit mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kakulangan ng dugo sa blood bank,” ani Sotto sa caption.

Naiintindihan daw niya na maraming natatakot na mag-donate sa ngayon ng dugo kaya pinangunahan nilang mga kawani ng pamahalaan ang pagbibigay nito para maging halimbawa sa iba.

“Regular pa rin naman ang blood-letting drive ng LGU, pero naiintidihan nating maraming natatakot o di kaya mag-donate sa ngayon.

“Because of this, we are stepping up our blood-letting drives. Dapat mauna kaming mga kawani ng pamahalaan.

“Kung malusog po tayo at kaya natin, mag-donate po tayo!” dagdag niya.

Tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes ng umaga ay maaari aniyang mag-donate ng dugo sa Plaza Bonifacio.

The post Vico Sotto nag-donate ng dugo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-nag-donate-ng-dugo/)

Walang komento