Recent Posts

Breaking News

Vhong dinala ang mall sa bahay

Kung para sa kababaihan ay mayroong dream walk-in closet na puno ng luxury brand na damit, mukhang may bagong set na standard ngayon sa kalalakihan dahil sa recent vlog ng Mr. Suave na si Vhong Navarro.

Pinasilip ng host-actor sa kanyang bagong upload na vlog ang kanyang walk in closet na puno ng iba’t ibang uri ng kanyang sapatos na bunga ng kanyang mga box office movie.

Marami ang nalula sa pagkarami-rami ng mga sapatos ng actor na naipon sa tagal na niyang artista, ayon pa sa iba ay tila hindi na kailangan mag-mall kapag pumunta sa bahay ng aktor dahil nagmistulang mall shoe store ang kanyang walk-in closet sa sobrang organized at dami ng sapatos.

Hindi rin maiwasan ng karamihan na mainggit at mapa-sabi na lang ng “sana all”. Ang iba naman ay nilakasan pa ang loob na humingi ng sapatos kay Vhong.

The post Vhong dinala ang mall sa bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vhong-dinala-ang-mall-sa-bahay/)

Walang komento