Recent Posts

Breaking News

Vergeire: Dolomite delikado sa tao

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may masamang epekto sa tao ang pinagkunan ng puting buhangin na ibubuhos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.

Ayon kay Vergeire, Lunes, lumabas na sa maraming medical studies na maaaring magsanhi ng iba’t ibang respiratory reactions ang dinurog na dolomite rock sa Cebu na pinagmulan ng synthetic white sand na kinakalat sa Manila Bay.

“Dolomite dust can cause respiratory issues. ‘Pag napunta sa mata, puwedeng ma-irritate. ‘Pag na-ingest, it can cause gastrointestinal discomfort,” sabi pa ng DOH official, Setyembre 7.

Pero sinabi rin ni Vergeire na dahil inapruba ng DENR ang proyekto ay pinag-aralan ng ahensiya ang epekto nito sa kapaligiran at sa madla.

Una nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na hangga’t wala pang pruweba na makasasama sa kalikasan ang plano ng DENR ay suportado niya ang proyekto.

The post Vergeire: Dolomite delikado sa tao first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vergeire-dolomite-delikado-sa-tao/)

Walang komento