Recent Posts

Breaking News

Valenzuela gagamit ng FB, YT para sa distance learning

Facebook at YouTube ang gagamiting instrumento ng Valenzuela local government para magturo sa mga estudyante ngayong pandemya.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, lumabas sa survey na 90% ng mga residente sa Valenzuela ay may Facebook.

“When we asked our parents kung ano preferred nila… about 90 percent said na may Facebook sila,” pahayag ng senador, na kapatid ni Rex, ang Valenzuela City mayor.

Sa ilalim ng programa, obligado ang mga estudyante ng mga public school sa Valenzuela City na panoorin ang mga lecture sa Facebook Live.

“’Yung matutununan is the same. It’s just that how we deliver is different. We will also upload the modules to YouTube and Facebook… Para ‘yung bata kung kailangang panoorin ulit para maintindihan, puwede niya balik-balikan,” dagdag ni Gatchalian.

The post Valenzuela gagamit ng FB, YT para sa distance learning first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/valenzuela-gagamit-ng-fb-yt-para-sa-distance-learning/)

Walang komento