Recent Posts

Breaking News

UST tanggap na ang pag-resign ni Ayo

Naglabas na ng pahayag ang University of Santo Tomas ukol sa pagbibitiw bilang head coach ni Aldin Ayo kasunod ng kontrobersya sa bubble training sa Sorsogon.

Sa Facebook page ng UST, kanilang tinanggap ang pagre-resign ni Ayo, kasama pa ang dalawang assistant coach na sina Mcjour Luib at Jinino Manansala.

“The Thomasian community conveys its gratitude to them for their service to the University,” ayon sa pahayag.

Nitong Biyernes nilantad ni Ayo na siya’y aalis sa UST bilang head coach dahil sabit naging training sa kabila ng pagbabawal pa nito dahil sa quarantine protocol.

“I deeply apologize to all those who [were] adversely affected by our activity and unnecessarily exposed to much condemnation especially the university. I take responsibility for my action and shall face the appropriate sanctions. And I shall go for a personal retreat.” saad ni Ayo sa statement na inilabas ng Varsitarian.

The post UST tanggap na ang pag-resign ni Ayo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ust-tanggap-na-ang-pag-resign-ni-ayo/)

Walang komento