Recent Posts

Breaking News

US walang hininging kondisyon kapalit ng COVID vaccine ng PH – Vergeire

Hindi nagbigay ng alinmang kondisyon ang mga gumagawa ng bakuna sa Amerika para mabigyan ng access ang Pilipinas sa COVID-19 cure sakaling meron na nito.

Ayon ito kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw.

“We have had discussions already with manufacturers from the US. No conditions were provided or given para sa atin,” aniya sa isang press briefing, Setyembre 11.

“Hindi po tayo naka-receive ng kahit anumang condition na ganito based from the discussions that we have had from the manufacturer from US, and katulad ng lagi naming sinasabi, lahat ng bakuna na papasok dito, para masiguro natin na safe ‘yan at magiging epektibo against COVID-19 and will benefit the population, has to go through our regulatory process,” saad niya pa.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng opinyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “ang pamimigay ng pardon kay [Joseph Scott] Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ng Presidente [Rodrigo Duterte] na kapag mayroon nang vaccine na na-develop ang Amerika ay makikinabang din ang Pilipinas”.

Hinatulang maysala si Pemberton noong 2015 sa pagpasalang sa Filipino transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014, at sinentensiyahang makulong nang mula anim hanggang 10 taon.

Si Roque ang nagpakulong kay Pemberton, dahil dati siyang abugado ng pamilya Laude.

Samantala, binigyan ni Duterte ng absolute pardon ang US convict sa batayang hindi aniya kasalanan ng huli na hindi ni-rekord ng Philippine authorities ang good conduct nito.

Ibig sabihin ng absolute pardon, matatanggal na ang lahat ng parusa na pinataw sa isang nahatulang kriminal.

The post US walang hininging kondisyon kapalit ng COVID vaccine ng PH - Vergeire first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-walang-hininging-kondisyon-kapalit-ng-covid-vaccine-ng-ph-vergeire/)

Walang komento