Recent Posts

Breaking News

Undas policy pag-uusapan ng mga Metro Manila mayor

Sa Linggo nakatakdang pag-usapan ng mga alkalde sa National Capital Region ang gagawin nilang patakaran sa panahon ng Undas.

“Pag-uusapan namin this coming Sunday, ng Metro Manila Council, kasama sa agenda namin, para magkaroon kami ng uniform, unified na policy sa darating na Todos Los Santos,” sambit ito sa DZBB ni Parañaque Mayor at Metro Manila Council head Edwin Olivarez, Huwebes.

Matatandaang pinag-utos na ng Maynila at Mandaluyong ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng mga sementeryo sa kani-kanilang lugar sa panahon ng All Souls at All Saints Days para makaiwas sa mass gathering habang may pandemya.

“Pero yung ginawa ng dalawang LGU, prerogative nila yun,” paglilinaw ni Olivarez.

The post Undas policy pag-uusapan ng mga Metro Manila mayor first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/undas-policy-pag-uusapan-ng-mga-metro-manila-mayor/)

Walang komento