Recent Posts

Breaking News

Umebak sa Manila Bay huli sa akto

Nagngitngit si Environment Undersecretary Benny Antiporda sa isang lalaki na nahuling dumudumi sa Manila Bay habang sila’y nagsasagawa ng clean-up drive.

Kaagad na sinita ni Antiporda ang dumuduming lalaki at pinahuli ito sa mga pulis.

Ayon sa lalaki, hindi na niya kinaya kaya naisipang maglabas ng ‘sama ng loob’ sa Manila Bay.

“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinataehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tumae,” gigil na pahayag ni Antiporda habang kausap ang lalaki na hindi pa nakikilala.

Inutusan ni Antiporda ang pulisya na hulihin ang lalaki at siya ang gawing complainant.

The post Umebak sa Manila Bay huli sa akto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/umebak-sa-manila-bay-huli-sa-akto/)

Walang komento